Petsa kung kailan tuluyang sususpendihin ang VFA, wala pang kasiguraduhan

Wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung hanggang kailan sususpendihin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, may mga isyu pa na dapat pag-usapan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Hahayaan namang umiral ang VFA hangga’t wala pang desiyon ang pangulo kaugnay rito.


Sa ngayon, tinanggap na ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas ang desisyon ng pamahalaan na ipagpaliban muna ang tuluyang pagbasura sa VFA.

Sa inilabas na pahayag ng US Embassy, sinabi nito na mananatili ang alyansa ng dalawang bansa na hindi lamang para sa seguridad ng Pilipinas at Estados Unidos kundi maging ang pananatili ng kaayusan sa bansa.

Sa pamamagitan kasi anila nito, magbibigay benepisyo ang kasunduan sa lahat ng bansa sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Facebook Comments