Petsa ng Bar Exam 2024, inilabas na ng Korte Suprema

Inanunsyo ng Korte Suprema na idaraos sa September 2024 ang susunod na Bar Examination.

Batay sa Bar bulletin ng Office of the Bar Chairperson, ikakasa ang pagsusulit sa September 8, 11, at 15.

Si Associate Justice Mario Lopez ang magsisilbing 2024 Bar chairperson.


Ayon kay Lopez, nakasentro sa practical skills at jurisprudential perspectives ang mga magiging katanungan.

Mananatili ring digitalized at regionalized ang susunod na exam.

Kabilang sa anim na subjects para sa Bar ay Political at Public International Law, Commercial at Taxation Laws, Civil Law, Labor Law at Social Legislations, Criminal Law, Remedial Law, at Legal and Judicial Ethics na may kasamang Practical Exercises.

Facebook Comments