Petsa ng Christmas holiday break, inilabas na ng DepEd

Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang petsa para sa Christmas holiday break ng mga eskwelahan sa bansa ngayong school year 2021-2022.

Magaganap na ito mula December 20, 2021 hanggang January 2, 2022.

Alinsunod ang anunsiyo sa DepEd Order No. 29 series of 2021.


Batay sa inaprubahang Proclamation No. 1236 ni Pangulong Rodrigo Duterte, sampung araw ang regular holiday sa taong 2022 kung saan lima ang natapat ng weekend.

Habang anim na petsa ang special non-working holiday at dalawa ang natapat sa weekend.

Facebook Comments