Petsa ng paghahain ng COCs sa BSK Elections, itinakda na ng Comelec

Magsisimula na sa July 3, 2023 ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa Resolution No. 10899, itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang filing period mula July 3 hanggang 7.

Ipinagbabawal naman ang campaign activities mula July 8 hanggang October 18 habang ang panahon ng kampanya ay sa October 19 hanggang 28.


Kaugnay nito, umaasa ang Comelec na magiging maayos at payapa ang naturang halalan habang muli nilang ipinaalala sa publiko mai-report ang anumang hakbang na tinatawag na premature campaigning.

Pagsapit ng araw ng botohan, October 30, 2023 ay bubuksan ang mga presinto ng alas-7:00 ng umaga at matatapos alas-3:00 ng hapon.

Ang pagbibilang at canvassing ng mga boto gayundin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato ay magaganap kaagad pagkatapos ng pagsasara ng botohan.

Binigyan naman ng hanggang November 29, 2023 ang mga kandidato para magsumite ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures.

Facebook Comments