Naglabas na ng petsa ang Malakanyang para sa mga piling eskwelahan na magsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa low-risk o mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, idaraos ito mula Enero 11 hanggang 23, 2021 kung saan imo-monitor ito ng Department of Education (DepEd) at ng COVID-19 National Task Force.
Ang huling linggo naman ng Enero ay ilalaan sa pagsusumite ng reports hinggil sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at ebalwasyon para sa huling rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag pa ni Roque, pipili rin sila ng mga eskwelahan na isasailalim sa face-to-face classes sa Disyembrer 28, na susundan ng orientation, mobilization at readiness confirmation.
Matatandaang una nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan.