
Hindi pa masabi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng live streaming ng pandinig ng Komisyon.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, patuloy pa ang pagbalangkas ng ICI ng panuntunan sa pag-live stream.
Tiniyak naman ni Hosaka ang pagrespeto sa karapatan ng kanilang mga iimbitahang resource persons.
Nanindigan din ang Komisyon na hindi magagamit ang ICI sa grandstanding at walang mangyayaring trial by publicity.
Tiniyak din ni Hosaka na masusunod ang rules ng Supreme Court sa gagawing live streaming.
Facebook Comments









