Nausog pa ang petsa ng pagtatapos ng P2-billion toll project na magkokonekta ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Cavite–Laguna Expressway (CALAX).
Ayon sa Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), inaasahang bago matapos ang 2021 hanggang sa unang quarter pa ng 2022 makukumpleto ang konstruksiyon.
Ang CIC ay nasa ilalim ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) — na pinangangasiwaan ng Pangilinan-led infrastructure conglomerate Metro Pacific Investments Corp. (MPIC).
Sa oras na makupleto, mabebenipisyuhan nito ang nasa 50,000 motorista na nanggagaling sa Taguig, Makati, Las Pinas, at Pasay.
Ang MPTC ang nangangasiwa ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.