Petsa ng pagtatapos ng enrollment, wala pang datos – DepEd

Wala pang target na petsa ang Department of Education (DepEd) kung hanggang kailan gaganapin ang enrollment para sa school year 2021-2022.

Ayon kay Education Undersecretary and Spokesperson Nepomuceno Malaluan, hahayaan muna nila ang mga regional director ng kagawaran sa buong bansa na tumanggap ng maraming bilang ng mga enrollee.

Patuloy naman ang ipinatutupad na remote learning ng DepEd kung saan isinasagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes.


As of August 19, umakyat na sa 5,356,643 ang datos ng DepEd para sa enrollment

5,000,177 dito ang nagmula sa mga pampubliko at pribadong paaralan maging sa State Universities and Colleges/Local Universities and Colleges (SUCs/LUCs).

Facebook Comments