Petsa para sa paghahain ng kandidatura para sa BSKE, ibabatay sa magiging pasya ng Korte Suprema

Wala pang itinatakdang petsa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco na hinihintay pa nila ang ilalabas na pasya ng Korte Suprema.

Kaugnay ito sa petisyon na kwestyon sa constitutionality ng BSKE na nakatakda sa October 23, 2023.


Ayon kay Laudiangco, kapag naglabas na ng desisyon ang Kataas-Taasang Hukuman ay saka pa lamang din sila mag-aanunsyo kung kailan ang paghahain ng kandidatura.

Facebook Comments