PEZA at NCIP, lumagda ng MOA

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at National Commission on Indigenous People’s (NCIP) para pagtibayin ang kooperasyon sa pakikinabang ng ancestral domains at lupain para gawing Economic Zones.

Sa ilalim ng MOA ay titiyaking sumusunod sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 at Free, Prior and Informed Consent process ang pagtatatag ng karagdagang economic zones.

Mag-uugnayan ang PEZA at NCIP sa pagtukoy, pag-develop, implementasyon at operasyon ng Special Economic Zones para sa kapakanan ng mga katutubo.


Ipinaliwanag ni PEZA Director General Charito Plaza na lilikha sila ng sustainable at smart ecozones na makakahiyakat ng iba’t ibang sektor na magtataguyod ng environment-friendly industrialization.

Kailangan aniyang matigil na ang pananamantala ng mga pribadong kompanya at ilang tanggapan ng gobyerno sa IP community na gumagamit ng ancestral domains nang hindi nagkakaloob ng karapat-dapat na kompensasyon.

Paliwanag pa ni Plaza na dadagdagan nila ang 417 ecozones na nakatulong sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng maraming trabaho upang makumpleto na ang supply chain.

Facebook Comments