Patuloy ang pagtaas ng investment sa Pilipinas mula Enero hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre ngayong taon.
Base sa report, naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagtaas na hanggang 232 percent ng mga investment hanggang nitong kalagitnaan ng Oktubre.
Katumbas ito ng P131.76 billion, kumpara sa P39.61 billion na naitala ng PEZA noong nakalipas na taon.
Sinabi ni PEZA Director-General Tereso Panga, ang naturang halaga ay 85 percent na ng kabuuang P154 billion na target ng pamahalaan para sa taong ito.
Ito ay mas mataas ng 10 porsiyento kumpara sa target nito noong 2022.
Ayon kay Panga, umabot na sa 169 na proyekto ang naitala ng PEZA ngayong taon na mas mataas kumpara sa 148 na proyekto noong nakalipas na taon.
Inaasahang makakapag-ambag ito ng hanggang P3 billion na halaga ng export at inaasahang makakapagbigay ng trabaho para sa 28,521 na indibidwal.