Pfizer at Moderna vaccines, sapat para sa pediatric vaccination

Tiniyak ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na sapat ang bilang ng mga bakunang laan para sa mga bata edad 12 pataas.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NVOC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na sa ngayon tanging Pfizer at Moderna pa lamang ang may Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration para magamit sa pediatric vaccination.

Ayon kay Cabotaje, ginawan lamang ng isang lane ang pediatric vaccination at mas maluwag ito dahil kailangang kasama ng babakunahang bata ang kanilang magulang o guardian.


Hanggang ngayong araw ang malawakang pagbabakuna sa bansa kung saan target na mabakunahan ang higit 10 milyong mga Pilipino.

Kabilang sa mga nagpapatuloy na bakunahan ay ang pediatric vaccination.

Facebook Comments