Magkakaroon na ng pribilehiyo ang mga Pilipino na bumili ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ito ay matapos mabigyan na ng full approval” ng Food and Drug Administration (FDA) sa Estados Unidos ang American-made vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, makakatulong ang full approval upang mapabilis ang approval process ng FDA ng Pilipinas na gawin itong available sa commercial use.
Tiwala naman si Roque na hindi magtatagal ay magiging available na ang Pfizer sa Philippine market.
Ang “full approval” sa Pfizer ay para sa mga edad 16 pataas na hindi sumasakop sa mga indibidwal na edad 12 hanggang 15.
Facebook Comments