Inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, halos lahat ng criteria na hinihingi ng kumpanya at nakumpleto naman ng Pilipinas.
Aabot sa 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang ipapadala sa bansa sa ilalim ng COVAX Facility, at inaasahang may karagdagang 4.5 million vaccines sa susunod na dalawang buwan.
Una nang dumating sa bansa ang higit 400,000 doses ng AstraZeneca vaccines na mula rin sa inisyatibo ng WHO.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia ang unang tumanggap ng bakuna mula sa COVAX Facility.
Target ng COVAX Facility na makapag-procure ng dalawang bilyong doses sa katapusan ng taon.