Inaasahang darating na sa bansa sa Abril ang Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., mismong ang World Health Organization (WHO) ang nagtiyak kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pagdating ng Pfizer vaccine sa Pilipinas matapos lagdaan ang indemnification agreement.
Aniya, nasa 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang commitment ng COVAX Facility para sa Pilipinas.
Una nang idedeliver sana sa bansa ang Pfizer vaccine noong Pebrero pero na-delay ito dahil sa hinihinging indemnification agreement ng manufacturer bilang proteksyon sakaling magkaroon ng adverse events ang mga tatanggap ng bakuna.
Facebook Comments