Pfizer COVID-19 vaccines, hindi pa rin mabibili agad over the counter kahit pa magkaroon na ito ng full approval mula sa FDA

Nilinaw ni Dr. Edsel Salvaña, Director ng Institute of Molecular Biology & Biotechnology ng UP Manila na hindi dahil may full approval na ng US Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna ng Pfizer ay pwede na itong mabili over the counter.

Sa Laging Handa public press briefing, iginiit ni Dr. Salvaña na kailangan pa rin dito ng doctor’s prescription o ng reseta.

Aniya, ang ibig sabihin lamang ng full approval ay mapabibilis ang access o pagbili rito ng publiko.


Paliwanag pa ni Dr. Salvaña, sa pamamagitan ng full approval ng US FDA sa Pfizer vaccines ay malaki ang potensyal na maaprubahan din ito ng ating FDA.

Kasunod nito, isa sa mga nakikitang negatibong epekto ni Dr. Salvaña kapag nakakuha na ng full approval ang Pfizer vaccine dito sa Pilipinas ay tataas ang presyo nito.

Facebook Comments