Handa ang United States drug company na Pfizer na suplayan ang Pilipinas ng kanilang potensyal na bakuna laban sa COVID-19 at i-alok ito sa tapat na presyo sa susunod na taon.
Matatandaang inanunsyo ng Pfizer na nasa 90% epektibo ang bakuna laban sa COVID-19 batay sa kanilang initial late-stage clinical trials.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, maaaring ibenta ng Pfizer ang kanilang bakuna sa Pilipinas sa halagang $5 o ₱242 kada turok kapag nakakuha ito ng regulatory approval mula sa U.S. at Philippine authorities.
Kapag nasimulan ang vaccine production ngayong taon, ipaprayoridad ng Pfizer ang vaccine supply sa Estados Unidos na mangangailangan ng nasa 100 milyong doses.
Sinabi rin ni Romualdez na ang Pfizer ang unang U.S. drug manufacturer ang nakipag-ugnayan sa Pilipinas para sa kanilang vaccine supply.
Sakaling maaprubahan ng Food and Drug Regulatory ng U.S. at Pilipinas ang bakuna ng Pfizer, ang bakuna ay inaasahang magiging available sa unang kwarter ng 2021.