Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na kailangan munang mag-apply ng Pfizer ng Certificate of Product Registration (CPR) bago mabigyan ng full use approval ang COVID-19 vaccine nito sa Pilipinas.
Ito ay makaraang bigyan ng U.S. FDA ng full approval ang bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Ibig sabihin, maaari nang ibenta ng Pfizer ang COVID-19 vaccine nito hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa mga ospital, clinic at pharmacy.
Umaasa si FDA Director General Eric Domingo na manghihingi na rin ng full approval sa ibang bansa gaya ng Pilipinas ang Pfizer na makakatulong para lalong maging accessible ang bakuna.
Posible namang abutin ng isang buwan ang pagpo-proseso sa aplikasyon para sa full approval.
Facebook Comments