Pfizer, nag-apply na rin sa India ng emergency use ng COVID-19 vaccine

Nag-apply na ng emergency use authorization para sa Coronavirus vaccine ang Pfizer sa India.

Ayon kay V.K. Paul, Government Adviser ng India, lumapit sa kanila ang US company para humingi ng authorization use.

Kasabay nito, inamin ng India na mahihirapan sila na hawakan ang nasabing bakuna dahil sa kailangan na magkaroon ito ng malamig na storage facilities.


Nasa 9.67 million na ngayon ang kaso ng COVID-19 sa India na siyang pangalawang pinakamalaking bilang sa buong mundo.

Facebook Comments