Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamahagi ang Pfizer COVID-19 vaccines sa indigent population.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng pangulo na ang American-made vaccines ay mapunta sa mahihirap na komunidad para mapalakas ang indigent population laban sa sakit.
Aniya, dapat ilaan ang ang Pfizer sa mga Local Government Unit (LGU) na mataas ang kaso at kakaunti lamang ang mga nagpapabakuna.
Matatandaang nito lamang unang bahagi ng Mayo ay natanggap ng Pilipinas ng mahigit sa 190,000 dose ng Pfizer vaccine mula sa World Health Organization-led COVAX Facility.
Nag-order naman ang pamahalaan ng mas marami pang Pfizer vaccines para palakasin at paramihin ang suplay ng bansa.
Facebook Comments