Inaasahang matatanggap na ng Pilipinas ang unang supply ng Pfizer vaccines mula sa Estados Unidos sa katapusan ng buwan kapag nakumpleto na ang lahat ng legal requirements.
Ang Pfizer vaccine ang isa sa pinag-aagawang brand ng COVID-19 vaccine sa buong mundo dahil sa 94.7% efficacy rate nito batay sa resulta ng Phase 3 clinical trials.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 195,000 doses ng Pfizer vaccines ang ipadadala sa bansa sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Mayroon pang karagdagang 2.4 million doses ng Pfizer vaccines ang naselyuhan ng pamahalaan sa pamamagitan ng bilateral agreement sa American drug manufacturer na inaasahang darating sa ikalawang kwarter ng taon.
Sa ngayon, inaabangan ang pagdating ngayong buwan ng halos 1.7 million vaccine doses mula sa Pfizer, CoronaVac ng China at Sputnik V ng Russia.