Target ng Philippine Genome Center (PGC) na dagdagan ang kanilang kapasidad para sa whole genome sequencing para sa pagtukoy ng mga bagong COVID-19 variants.
Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, target nilang makapag-sequence ng 40,000 sample sa loob ng isang taon matapos dumating ang karagdagang supply ng sequencing kits.
Aniya, sa ngayon kasi ay kayang makapag-sequencing ng bansa ng 750 samples kada linggo.
Sabi pa ni Saloma, maaaring madoble ang genome sequencing capacity kung mas maraming lugar ang ‘equipped’ sa sequence samples.
Facebook Comments