Naniniwala ang Philippine Genome Sequencing (PGC) na mayroon ng community transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, marami ng kaso ng Delta variant sa bansa ang hindi na alam kung saan nagmula.
Aniya, naniniwala siyang may kinalaman ang Delta variant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Una nang naitala ng Department of Health (DOH) ang kabuuang 1,807,800 na kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan kahapon ng 17,231 new cases.
Ang total active cases sa bansa ay nasa 123,251 habang 1,653,351 ang mga gumaling at ang mga binwian ng buhay ay umabot na sa 31,198.
Facebook Comments