PGC, palalawigin ang genome sequencing

Palalawigin pa ng Philippine Genome Center (PGC) ang kanilang genome sequencing.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, natagalan ang pagbili ng mga extraction machines dahil kailangan pa itong sumailalim sa procurement processing.

Aniya, sa ngayon ay nasa 750 samples pa lang ang kayang ma-sequence ng PGC kada linggo, na wala pa sa 1% ng mga COVID-19 cases na naitatala sa loob ng pitong araw.


Aminado naman si Vergeire na posibleng may mga undetected variant cases sa bansa dahil sa limitadong genome sequencing.

“So, we just need to wait because we know that certain processes of government that takes time. Pangalawa po, iyong appropriate or the ideal when you do whole genome sequencing is at least you are able to do whole genome sequencing among at least 5% of those being turning positive dito po sa ating bansa. Sa ngayon po, nasa 1% po tayo ngayon and we aim to expand our capacity so that we can reach this ideal number,” dagdag ni Vergeire.

Sa ngayon, tatlo sa 35 na kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa ang namatay.

Namatay noong Mayo ang isang 63 anyos na tripulante mula sa MV Athens at isang 78 anyos na babaeng galing naman ng Antique habang noong nakaraang buwan binawian ng buhay ang isang 58 anyos na babae mula sa Pandacan sa Maynila.

Facebook Comments