PGC, pinag-aaralan na kung mas mapanganib ang Lambda variant kaysa sa Delta variant

Pinag-aaralan pa ng Philippine Genome Center (PGC) kung mas mapanganib ang Lambda variant kumpara sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay PGC Executive Director Doctor Cynthia Saloma, wala pang sapat na data at ebidensya ang mga ekpserto na magsasabing mas mapanganib ang Lambda variant.

Aniya, hindi rin nila masabi pa sa ngayon kung mas mabilis makahawa ang Lambda variant.


Tiniyak din ni Saloma na wala pang natutukoy na Lambda variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang Lambda variant ay naunang natukoy sa bansang Peru, noong Disyembre 2020 at ikinokonsidera itong variant of concern ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments