PGH, ginunita ang anibersaryo ng pagdedeklara sa ospital bilang COVID-19 Referral Center

Pinangunahan ni Dr. Gerardo Legaspi, Direktor ng Philippine General Hospital (PGH) ang ika-5 taon mula nang maideklara ang PGH bilang COVID-19 Referral Center.

Sinabi ni Dr. Legaspi na kahit ilang taon ang umusad ay hindi dapat kalimutan ang aral na iniwan ng naranasang pandemya.

Inaalala naman ni Dr. Jonas del Rosario ang tagapagsalita ng PGH ang hamon na kinaharap niya nang tamaan ng sakit na naging dahilan din ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.


Paliwanag ni Del Rosario na ang pagiging COVID survivor ay hindi lamang ang paggaling sa sakit kundi maging ang hindi pagsuko at patuloy na pag-usad sa buhay.

Samantala, dalawang modelo ang pagpipilian naman ng mga kawani ng PGH na magsisilbing memorial sa mahalagang papel na ginampanan ng pagamutan sa pagtugon sa COVID-19.

Partikular ang mga seryosong tinamaan ng naturang sakit.

Facebook Comments