PGH, hindi muna tatanggap ng COVID-19 at emergency patients

Hindi muna tatanggap ang Philippine General Hospital (PGH) ng COVID-19 patients ngayong araw.

Ito ang sinabi ni PGH Director Dr. Gap Legaspi sa Laging Handa public press briefing.

Ayon kay Legaspi, posibleng bukas o sa makalawa pa sila muling tumanggap ng COVID-19 patients at ang mga isusugod sa kanilang pasyente na may COVID-19 ay kanila munang ire-refer sa One Hospital Command Center.


Maliban dito, sarado rin muna ang emergency room ng PGH na isa sa pinaka naapektuhan ng sunog.

Dalawang araw ang kinakailangan ni Legaspi upang muling makabalik ang operasyon ng Emergency Room ng PGH.

Samantala, tigil din muna sa pag-oopera ang mga doktor ng PGH dahil natupok ang kanilang operating room sterilization area.

Apat na buwan ayon kay Legaspi ang aabutin upang maibalik sa normal ang kanilang ORSA pero sila ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang mga ospital upang maibalik na sa normal ang operasyon na isa sa mga kilalang serbisyong ibinibigay sa PGH.

Facebook Comments