PGH, hindi muna tatanggap ng non-COVID patients

Pansamantalang hindi tatanggap ng non-COVID patients ang Philippine General Hospital (PGH) simula bukas, August 16.

Ito ay para mapagtuunan ang paggamot sa mga pasyenteng tinatamaan ng virus.

Sa abiso, kinakailangan kasing magbukas ng karagdagang lugar ng ospital para sa dumaraming bilang ng mga COVID patients.


Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, tanging mga “life-and-limb threatening non-COVID emergencies” lamang muna ang tatanggapin sa ospital.

Pero bukas pa rin ang kanilang Department of Ophthalmology & Visual Sciences and Cancer Institute bagama’t hinihikayat silang magpakonsulta online.

Umapela namang ng pang-unawa sa publiko ang PGH at tiniyak na agad mag-aabiso oras na bumaba na ang kaso ng COVID-19.

Hanggang kahapon, August 14, mayroon nang 262 na COVID patients sa PGH kabilang ang dalawang probable at suspected cases.

Ang pasilidad ay mayroon lamang 250-bed capacity para sa COVID-19 cases pero nagdagdag ito ng 50 kama dahil sa tumataas na kaso.

Facebook Comments