Isinisulong ngayon ng Philippine General Hospital (PGH) – Cancer Institute ang pagkakaroon ng self-breast examination bilang parte ng Breast Cancer Awareness Month ngayong Oktubre.
Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni Dr. Marvin Mendoza, isang medical oncologist sa PGH, ang pagkapa sa dibdib ang isa sa pinakaunang paraan para malaman kung ang isang tao ay may breast cancer.
Ang pananakit at pagkakaroon ng discharged sa apektadong dibdib ang ilang pang senyales ng pagkakaroon ng nasabing sakit.
Sakaling may maramdaman alinman sa mga sintomas na ito, agad na komunsulta sa doktor upang malunasan.
Kasabay nito, itinanggi ni Dr. Mendoza ang kaisipang nakadepende ang pagkakaroon ng breast cancer sa laki o liit ng dibdib.
Lahat ng babae aniya at ilan sa mga lalaki ay vulnerable sa pagkakaroon nito at maliit din ang tiyansang ito ay namamana.
Sabi pa ni Dr. Mendoza, maaaring maiwasan ang breast cancer sa pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-iwas sa bisyo.
tiniyak naman niyang bukas ang PGH-Cancer Institute para sa mga cancer patients na nanganagilangan ng tulong gaya ng mga magpapa-opera, magpapa-chemotherapy at radiotherapy.