PGH, muling tatanggap ng COVID-19 patients ngayong araw

Muling tatanggap simula ngayong araw ang Philippine General Hospital (PGH) ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ay matapos masunog ang isang bahagi ng ospital noong weekend.

Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legazpi, sinuspinde nila ang pagtanggap ng COVID-19 patients sa loob ng isang araw para tanggalin ang amoy ng usok na umabot sa COVID wards ng ospital.


Humingi sila kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega ng one-day reprieve sa pagtanggap ng COVID-19 patients para makumpleto ang paglilinis sa COVID wards.

Pagtitiyak ng PGH na patuloy silang maghahatid ng medical services sa mga pasyente lalo na at nagsisilbi silang pangunahing COVID referral center sa Metro Manila.

Facebook Comments