Naghahanda na ang Philippine General Hospital para sa pagbabakuna sa kanilang mga medical workers at iba pang empleyado.
Isa ang PGH sa tatlong COVID-19 referral hospitals na unang makatatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ngayong Pebrero.
Sa interview ng RMN Manila kay UP-PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, sinabi nito na inaayos na nila ang listahan ng kanilang medical personnel at staff na gustong magpabakuna.
Ang mga ito aniya ay dadaan sa check-up upang masiguro na wala silang sakit bago bakunahan ng COVID-19 vaccine.
Kabilang din sa unang mabibigyan ng anti-COVID-19 vaccine ang Lung Center of the Philippines sa Quezon City, at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.
Nabatid na magkakaroon ng 117,000 dose mula sa Pfizer-BioNTech na mababakunahan ang 58,500 katao habang 5.5 milyong dose mula sa AstraZeneca para sa 2.75 milyong katao.
Ang tirang dose naman ay ibibigay sa iba pang ospital sa Metro Manila.