PGH, nakapagtala ng isang pasyente na positibo sa South African variant ng COVID-19

45

Inihayag ng Philippine General Hospital (PGH) na nagkaroon sila ng pasyente na positibo sa South African variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, spokesperson ng PGH, ang nasabing pasyente na positibo sa South African variant ay isang lalaki base na rin sa isinagawang pagsusuri ng Philippine Genome Center.


Sinabi pa ni del Rosario, hindi naman dapat daw ito ikabahala ng publiko dahil nakarekober na ang lalaking pasyente at nakauwi na rin siya sa kanilang tahanan.

Hindi na rin naglabas ng iba pang detalye ang PGH sa nasabing pasyente lalo na’t fully recovered naman na raw ito.

Wala namang naitalang healthcare workers at iba pang COVID-19 patient sa PGH ang nahawa sa nasabing variant base na rin sa ginawang pagsusuri ng Philippine Genome Center.

Facebook Comments