Nilinaw ni University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na kapag oras lamang ng pagbabakuna ay saka lang daw nila ilalabas ang vials o ang mga bakuna kontra COVID-19.
Layon nito na matiyak na hindi masisira ang tinatawag na cold chain sa bakuna.
Ayon kay Del Rosario, halos 5,000 doses ng bakuna ang tatanggapin nila pagdating nito sa bansa ngayong Linggo.
Tiniyak din ni Del Rosario na lahat ng mga kawani at mga medical forntliners ng PGH ay makakatanggap ng bakuna basta’t pumapayag ang mga ito.
Una nang inihayag ni Dr. Rosario na 72% ng PGH medical professionals at staff ang handa nang magpabakuna kontra COVID-19, habang 24% ang nag-aalinlangan pa at 4% ang tumatangging magpabakuna.
Facebook Comments