Muling nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 na mag-donate ng dugo.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, ang dugo ng mga COVID-19 survivor ay makukuhanan ng plasma na nagtataglay ng antibodies.
Ang antibodies na ito ay magagamit ng mga pasyente laban sa virus at makatutulong din para mapalakas ang kanilang immune system.
Nabatid na ganito rin ang treatment na ginamit sa Wuhan City, China para sa ilang COVID-19 patients.
Para sa mga gumaling mula sa COVID-19 na interesadong mag-donate ng dugo, makipag-ugnayan lang sa PGH sa numerong 0917-805-3207 at hanapin si Dr. Sandy Maganito.
Facebook Comments