PGH, unti-unti nang bumabalik-operasyon

23

Unti-unti nang bumabalik ang operasyon ng Philippine General Hospital (PGH) matapos masunog ang isang bahagi ng gusali nitong linggo.

Ayon kay PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, nakabalik na sa iba’t ibang wards ng ospital ang mga inilikas na pesyente.


Pero aniya bagama’t magagamit na rin ang limang operating rooms, sarado pa rin ang emergency rooms.

Itinuturing namang malaking hamon ni Del Rosario ang kakulangan sa mga computers bunsod ng pagkasunog ng mga ito.

Sa ngayon, tumatanggap na rin ng COVID-19 patients ang ospital pero patuloy pa rin ang clearing operations sa gusali.

Facebook Comments