PGH, walang nakikitang pagtaas ng COVID-19 admission sa kanilang ospital

Kinumpirma ng Philippine General Hospital (PGH) na wala naman silang nakikitang pagtaas ngayon sa kaso ng COVID-19.

Sa kabila ito ng naitalang kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant sa bansa.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, wala namang mga bagong COVID-19 patients na naitatala ngayon sa nasabing ospital.


Sa 25 COVID-19 patients aniya na naka-admit ngayon sa PGH, 3 ang kritikal, 1 ang severe habang ang iba ay pagaling na.

Wala rin aniya sa mga pasyente nilang may booster shot ang nasa kritikal o severe na kalagayan.

Nilinaw rin ni Del Rosario na karamihan sa kanilang mga pasyente ngayon ay hindi bakunado.

Habang ang mga nasa ICU na COVID patients nila ay lahat hindi nakatanggap ng booster dose.

Facebook Comments