
CAUAYAN CITY – Inihayag ng DILG-Isabela na kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa Top 1% ng mga consistent na passer ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa buong bansa.
Sa ginanap na 2024 SGLG Utilization Conference sa Provincial Capitol, pinuri ni DILG Isabela Director Engr. Corazon Toribio ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa natatanging pagganap nito sa pagtugon sa pamantayan ng SGLG.
Ayon kay Toribio, kabilang sa mga naunang pumasa sa Lambak ng Cagayan ang Provincial Government of Isabela, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino, LGU Saguday sa Quirino, at LGU San Mateo sa Isabela na pumasa noong 2015.
Nagpahayag ng pasasalamat si Provincial Planning and Development Coordinator Atty. Eduardo R. Cabantac sa DILG sa kanilang patuloy na suporta at umaasa na mapanatili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang katayuan nito bilang isang consistent SGLG passer.