Planong magsagawa ng Pilipinas at India ng research projects para sa agricultural biotechnology, vaccine development, at artificial intelligence (AI) applications.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, nagkasundo sila ng kanilang agency counterpart sa India na pagtibayin ang partnership sa Research and Development (R&D).
Tinalakay nina DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevarra at DOST International Head and Advisor S.K Varshnmey ang pagpapatupad ng Programme of Cooperation (POC) na nilagdaaan noong October 2019.
Nakapaloob sa kooperasyon ang iba’t ibang joint research projects at capacity building activities tulad ng online trainings, at strategic workshops at conferences.
Ang mga area ng posibleng magkaroon ng kooperasyon ay ang sumusunod:
• Agricultural Biotechnology (New Breeding, Biofertilizers, Genome Editing Techniques)
• Health, Pharmaceutical, and Medical Services (sakop ang Vaccine Development at Therapeutics)
• Material Science and Technology
• Ocean and Atmospheric Sciences (Meteorology)