Nakatakdang magsagawa ng defense at security talks ngayong araw ang Pilipinas at Japan.
Inaasahang matatalakay nina Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., at Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo kina Japanese Defense Minister Kihara Minoru at Foreign Minister Kamikawa Yōko ang isyu sa bilateral, defense at security na nakakaapekto sa rehiyon.
Ito na ang ikalawang Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting kung saan ang nauna ay ginanap sa Tokyo, Japan noong April 2022.
Ang 2+2 meeting ay isasagawa naman ngayong taon dito sa bansa.
Nauna ng sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na umaasa siyang malalagdaan na sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement kasabay 2+2 meeting ngayong araw.
Ayon kay Gen. Brawner, mahalaga ang RAA dahil magpapahintulot ito sa pwersa ng Japan na magsagawa ng military trainings kasama ang Pilipinas.