Thursday, January 15, 2026

PH Consulate sa Hong Kong, nagbabala sa OFWs laban sa Third-Country Development at Cross-Country Work Arrangements

Nagbabala sa OFWs ang Philippine Consulate General sa Hong Kong laban sa mga nag-aalok ng trabaho sa third countries o cross-country work arrangements.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, ang ganitong modus ay labag sa regulasyon na pumo-protekta sa Overseas Filipino Workers.

Pinapayuhan ng Philippine Consulate ang Filipino Community sa Hong Kong na maging vigilant at huwag basta-basta tatanggap ng mga alok na trabaho mula sa social media platforms.

Hinihihikayat din ng Konsulada ang mga Pinoy na nabiktima ng nasabing modus na makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office sa Hong Kong (MWO-HK)

Facebook Comments