Walang Pilipinong nadamay sa nangyaring mass shooting sa isang supermarket sa Jefferson Avenue sa Buffalo, New York.
Ayon kay Philippine Consulate General Elmer Cato, batay sa mga inisyal na ulat ay walang Pinoy ang nasaktan sa pamamaril na ikinasawi ng 10 indibidwal.
Nabatid na nasa higit 540 Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho sa Buffalo.
Samantala, suspek sa pamamaril ang isang 18-anyos na lalaki na sumuko na rin sa mga pulis.
Kwento ng mga nakasaksi, pumasok sa supermarket ang suspek na nakasuot ng military-type gear at body armor at may bitbot na rifle.
Apat sa mga nasawi ay empleyado ng supermarket kabilang ang isang security guard na isang retiradong pulis.
Ayon sa Buffalo Police, iniimbestigahan na nila insidente bilang isang hate crime at gawa ng “racially motivated violent extremism.”
Habang inaalam na rin ng FBI at ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives (ATF) kung saan nakuha ng suspek ang kanyang baril at kung may kasabwat siya sa insidente.