PH COVID-19 active cases, bahagyang bumaba – DOH

Umabot na sa 4,047,878 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 1,158 na bagong kaso kahapon, December 10.

Sa kabila nito, bumaba pa rin ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na ngayon ay nasa 18,387 na lamang mula sa 18,632 na naitala noong Biyernes, December 9.


Habang umakyat naman sa 64,856 ang death toll.

Samantala, sa nakalipas na dalawang linggo, sa National Capital Region pa rin naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na nasa 5,539; sinundan ng CALABARZON na may 2,237; Central Luzon, 1,070, Cagayan Valley, 801 at Western Visayas, 792.

Facebook Comments