PH COVID-19 deaths, bumaba – OCTA

36

Bumaba ang average na bilang ng mga nasasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Batay sa datos ng OCTA Research Group, as of November 21, 12 na lang ang seven-day average ng COVID-19 deaths sa bansa na mas mababa sa 38 noong October 21.

Naitala naman ang peak ng 7-day average sa 267 noong August 22 na kasagsagan ng surge ng Delta.


Samantala, sa kabuuang 64,524 na COVID-19 deaths sa bansa, 65% nito o 42,260 ang naitala noong 2021 habang 20% o 13,105 ngayong 2022.

Facebook Comments