Lalo pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa bansa.
Ayon sa OCTA Research Group, umakyat na sa 14.3% ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa COVID-19 tests kahapon.
Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 858 na bagong kaso ng sakit.
Dumami rin ang bilang ng aktibong kaso sa 5,293 matapos na madagdagan ng 525.
Wala namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.
Samantala, tumaas din sa 14.3% ang positivity rate sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA, posibleng makapagtala ng 1,000 hanggang 1,200 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Facebook Comments