PH Embassy sa Australia, patuloy na naka-antabay sa mga Pilipinong maaapektuhan ng wildfire

Patuloy ang pagbabantay ng embahada ng Pilipinas sa Canberra sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Australia.

Ito’y sa gitna ng lumalawak na bushfires sa nasabing bansa.

Ayon kay Dept. of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Elmer Cato, mula nitong Enero a-uno ay wala pa ring update kung may mga Pilipinong naapektuhan sa nasabing sakuna.


Sa kabila nito, mahigpit ang kanilang monitoring sa mga bushfire emergencies sa bahagi ng New South Wales, Victoria, at South Australia.

Pinapayuhan din ang mga Pilipino na naroroon na sumunod sa utos ng mga lokal na awtoridad at mag-ingat.

Maaari rin silang makipag-ugnayan sa konsulada ng Pilipinas.

Facebook Comments