Monday, February 9, 2026

Ph Embassy sa Cambodia, nakikipag-ugnayan na rin sa Cambodian authorities para sa repatriation ng iba pang mga Pinoy na biktima ng human trafficking

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Cambodia sa Cambodian National Police at immigration authorities para sa repatriation ng iba pang mga Pilipinong biktima ng human trafficking.

Ito ay upang mapabilis ang pagproseso ng travel documents ng mga Pinoy na nakatakas at na-rescue mula sa mga scam center sa Cambodia.

Tumutulong na rin sa Embahada ng Pilipinas ang Department of Migrant Workers (DMW) Rapid Response Team sa Phnom Penh para sa pag-aayos ng mga dokumento ng mga biktimang Pinoy.

Pagdating sa Pilipinas, sasailalim naman sa counselling ang mga Pinoy matapos ang kanilang sinapit sa kamay ng sindikato.

Tutulungan din silang magkaroon ng trabaho para sa kanilang muling pagsisimula.

Facebook Comments