
Nagsagawa ang Embassy of the Philippines in Israel ng online coordination meeting kasama si Hans Leo Cacdac, kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW), at mga Filipino community leader at coordinator mula sa iba’t ibang bahagi ng Israel.
Nagbigay rin si Aileen Mendiola ng update tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa Israel, kabilang ang mga tulong na ibinibigay ng embahada sa mga Pilipinong apektado ng tensyon sa Middle East, pati na ang mahahalagang safety advisories.
Ibinahagi naman ni Secretary Cacdac na handa ang DMW na maglunsad ng repatriation operations kung kinakailangan para sa mga Pilipinong nais nang umuwi sa Pilipinas.
Ayon sa embahada, mahalaga ang mga ganitong coordination meeting upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng Filipino community, para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa Israel.










