Tumaas ang kabuuang export sales ng Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2022 kung saang lumampas pa ito pre-COVID-19 pandemic levels.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), kumita ang export sale ng bansa ng humigit-kumulang $12.2 bilyon mula Enero hanggang Pebrero.
Ito ay mas malaki kumpara sa $10.9 bilyon kinita ng bansa noong Enero hanggang Pebrero ng 2021 at sa $10.5 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2019.
Ang electronics ang nanatiling nangungunang produkto ini-export ng bansa at sinundan ng pang manufactured goods, gamit sa sasakyan.
Ang langis naman ng niyog ang nananatiling nangungunang agricultural export ng bansa.
Facebook Comments