PH floorball team, nakasungkit ng 2 panalo sa SEA Games

Dalawang panalo ang nakamit ng Philippine Floorball Players sa 30th Southeast Asian Games.

Sa Womens division ay nanalo ang Pilipinas laban sa Indonesia 8-1 sa kanilang paghaharap sa University of the Philippines College of Human Kinetics sa Quezon City.

Habang sa men’s division ay panalo din ang pambansang koponan 5-1 laban sa kaparehong bansa.


Samantala, nananatili pa ring tinik sa Pilipinas ang Thailand at Singapore upang makamit ng Pilipinas ang gintong medalya.

Facebook Comments