PH Genome Center, nilinaw na wala pang community spread ng Delta COVID-19 variant sa bansa

Wala pang nakikitang community transmission ng COVID-19 Delta variant sa bansa ang Philippine Genome Center.

Ayon kay PGC Executive Director Cynthia Saloman, aabot pa lamang sa 17 ang kaso ng Delta variants sa bansa at mula ito sa mga international travelers.

Aniya, naka-quarantine na ang mga indibiduwal na nakitaan ng Delta variant.


Bagamat wala pang community spread ng Delta variant sa bansa, dapat gamitin itong oportunidad na mapigilan ang pagpasok nito at kumalat sa mga komunidad sa pamamagitan ng mahigpit na border control.

Ang mga taong tinamaan ng Alpha variant (UK variant) ay maaaring makahawa ng apat hanggang limang tao.

Pero ang Delta variant ay 60-percent na transmissible dahil ang isang taong mayroon nito ay kayang makahawa ng hanggang walong tao.

Makakapagdulot ang Delta variant ng mas malalang COVID-19 symptoms at mataas na fatality rate.

Facebook Comments